Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko lalo na sa mga nagdi-disinfect ng salapi.
Nabatid na todo ang pag-iingat ng mga Pilipino ngayong pandemya kung saan maging ang mga pera ay dini-disinfect sa pamamagitan ng pagwisik ng alcohol o iba pang likidong panlinis.
Paalala ng BSP, iwasang ibabad o wisikan ang salaping papel at barya ng tubig at sabong panlaba, alcohol at bleach at iba pang kemikal.
Maituturing itong Acts of Mutilation o Destruction ng Philippine Currency.
May kalakip din itong kaparusahan, alinsunod sa probisyon ng Presidential Decree No. 247 kung saan mahaharap ang mga lalabag ng hanggang p20,000 at – o pagkakakulong na hindi lagpas sa limang taon.
Giit ng BSP, ang sagot kontra COVID-19 ay hindi pag-disinfect sa pera kundi tamang personal hygiene.