BSP, may babala sa sim card scam

Nagbabala ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko hinggil sa mga nanloloko sa pamamagitan ng sim card scam.

Inilahad ng BSP ang anunisyo matapos makatanggap ng mga reklamo hinggil sa iligal na gawain.

Base sa reklamo, may mga tumatawag na ilang indibidwal na nag-aalok ng upgrade ng sim card, pagpapalit ng bagong sim pero hinihingi ang mga pin code nito.


Dahil dito, nagagawa ng mga scammer na maka-access sa bank o financial account ng mga nabiktima nito kung saan nagagawa nilang magkaroon ng iligal na transaksyon.

Ayon sa BSP, dapat na huwag magbigay ng anumang personal na impormasyon sakaling may tumawag sa mga hindi kilalang indibidwal kung saan huwag din ibigay ang anumang detalye ng hawak na sim cards.

Maiging i-monitor sa pamamgitan ng SMS at email ang anumang aktibidad hinggil sa online banking sa pamamagitan ng iyong sim kung saan agad itong kanselahin.

Sakali naman naibigay na ang lahat ng impormasyon, agad na makipag-ugnayan sa telco provider para magawan ito ng paraan.

Facebook Comments