BSP, nagbabala hinggil sa mga pekeng pera na lumalabas sa mga ATM

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko hinggil sa mga pekeng pera na lumalabas sa mga Automated Teller Machines (ATMs).

Kaugnay nito, inabisuhan ang publiko na maging mapanuri kung saan payo pa ng BSP na dapat palagiang suriin ng publiko ang perang makukuha sa ATM.

Ito’y sa pamamagitan ng “feel, look, tilt” approach para maiwasang makakuha ng pekeng pera.


Sakali namang makakuha ng pekeng pera sa ATM, dapat na agad abisuhan ng kustomer ang bangko na nakakasakop sa nasabing machine.

Kapag nakarating naman sa pamunuan ng bangko, dapat itong magsagawa ng imbestigasyon para malaman kung talagang nakuha ba ang pekeng pera sa ATM.

Matapos na maberipika ang reklamo ng kustomer, papalitan ng bangko ang pekeng pera.

Sinabi pa ng BSP na dapat magpatupad ang lahat ng bangko ng sistema para mapigilan at masolusyonan ang problema sa pekeng pera.

Facebook Comments