BSP, nagbabala hinggil sa pekeng dokumento na ginagamit ang pangalan ng mga opisyal at kanilang tanggapan

Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga umiikot na mapanlinlang na dokumentong sinasabing nagmula s BSP o ng mga opisyal nito.

Ang mga pekeng dokumento ay may pekeng pirma ng mga opisyal ng BSP at mayroon pang logo.

Ginagamit o umiikot ang pekeng dokumento para makapangloko at iligal na makuha ng pera maging ang personal na impormasyon ng publiko.

Pinapayuhan ng BSP ang publiko na manatiling mapagmatyag at suriing mabuti ang mga mensahe o dokumentong natatanggap hinggil sa mga transaksyon lalo na kung pinansyal.

Maaari naman i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad sa mismong tanggapan ng BSP sa A. Mabini kanto ng P. Ocampo St., sa Malate, Manila o kaya ay tumawag 8811-1277 at magpadala ng mensahe sa bspmail@bsp.gov.ph

Facebook Comments