BSP, nagbabala sa publiko kaugnay ng mga binebentang murang sasakyan

Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa modus ng mga nagbebenta ng pasalo na sasakyan.

Ayon sa BSP, ginagamit ito ng mga sindikatong sangkot sa carnapping na ang target ay ang mga naghahanap ng murang sasakyan.

Ang modus ng sindikato, kukunin ang sasakyan na hinuhulugan pa sa bangko at saka ibebenta sa ibang tao.


Hindi malalaman ng bibili na sakop pa ng utang sa bangko ang sasakyan dahil sa gumagamit ito ng pekeng mga papeles.

Kapag natunton ang sasakyan, wala nang magagawa ang nakabili kapag binawi na ito ng bangko na lehitimong nagmamay-ari dito.

Facebook Comments