BSP, nagbabala sa publiko kaugnay ng mga sindikatong nagpapakilalang tauhan nila

Inalerto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa harap ng paglipana ng ilang indibidwal na gumagamit ng pangalan ng kanilang mga tauhan para manghingi ng pera.

Ayon sa BSP, tinatawagan o hindi kaya ay pinadadalhan ng mensahe ng sindikato ang kanilang target na mga biktima gamit ang pangalan ng ilang tauhan at opisyal ng Bangko Sentral.

Gumagamit din anila ang mga ito ng email address na kapareho ng ginagamit ng mga taga-BSP para magmukhang lehitimo ang kanilang transaksyon.


Pinaalalahanan naman ng BSP ang publiko na maging alerto at huwag basta-basta magpapadala ng pera.

Nilinaw ng Bangko Sentral na hindi sila nagso-solicit ng pera o nanghihingi ng impormasyon o ng mga dokumento ng financial transactions ng sinomang pribadong indibidwal.

Facebook Comments