Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa automated teller machine (ATM) cardholders na iwasan ang pagpasok sa “sangla-ATM” schemes.
Ayon sa BSP, nakakabahala ito lalo na’t ibinibigay nila ang kanilang ATM cards at personal identification number (PIN) bilang collateral sa utang.
Posible anila kasing mag-withdraw ng mas malaking halaga ang kanilang pinagsanlaan ng ATM at hindi nila ma-monitor.
Sinabi pa ng BSP na mas ligtas pa rin mangutang sa mga bangko at iba pang BSP-supervised financial institutions.
Kabilang dito ang pawnshops, money service businesses, electronic money issuers, at non-stock savings and loan associations.
Facebook Comments