BSP, naglabas ng pagtaya inflation ngayong Marso

Posibleng mas bumaba o kaya ay bahagyang tumaas ang inflation sa presyo ng bilihin at serbisyo para sa buwan ng Marso

Sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, posibleng maglaro sa 1.7 hanggang 2.5% ang March inflation rate o bilis ng pagtaas at pagbaba ng mga halaga ng bilihin.

Bunga na rin ito ng pagtaas sa singil sa kuryente at mas mahal na presyo ng isda at karne.

Kasama na rin dito ang mas mababa namang presyo ng bigas at mga gulay dulot ng magandang suplay.

Bukod pa ito sa pagganda ng halaga ng piso kontra dolyar.

Noong Pebrero, nasa 2.1% ang inflation sa bansa na mas mababa sa 2.9% sa pagsisimula ng taong 2025.

Facebook Comments