BSP, nagpaalala kontra SMishing

May babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa mga unsolicited emails o text messages na nire-redirect sa mga highly suspicious website.

Kabilang dito ang tinatawag na SMishing, isang uri ng phishing scam kung saan dadalhin ng mga account owner sa isang website na kokolekta ng mga impormasyon, na maaaring gamitin sa panloloko.

Ayon sa BSP, para maiwasan ito ay dapat suriin mabuti ang mga text message at huwag pindutan agad ang mga ito kahit na mukha itong galing sa mga bangko, e-money issuers, at mga kilalang kumpanya o brand, para maprotektahan ang mga personal na impormasyon.


Paliwanag ng BSP, hindi nagpapadala ang mga totoong financial institution ng text message para hingin ang mga personal na detalye at one time pin (OTP) ng isang indibidwal.

Pinayuhan naman ng BSP ang publiko na i-report agad sa kanila kung nabiktima ng SMishing, at laging tiyakin na protektado ang mga personal information at account details.

Facebook Comments