BSP, nagpaalala sa pagbabayad ng car loans at bank loans na natengga sa gitna ng lockdown

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko kaugnay sa pagbabayad ng car loans at bank loans na naiwan o natengga sa gitna ng lockdown.

Base sa ipinatupad na batas sa “Bayanihan to Heal as One Act”, sakaling maalis ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at maipatupad na ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang high-risk areas sa bansa ay magkakaroon ng “grace period” sa nasabing utang.

Ayon sa pamunuan ng BSP, tatagal lamang ng 60 araw ang “grace period” sa car loans at bank loans.


Samantala, nilinaw naman ng BSP na walang kahit anong interes, penalty at fee na ipapataw sa mga umutang maliban na lang sa orihinal na interes noon.

Facebook Comments