BSP, nagpahiwatig ng mas mahigpit na monetary policy kasunod ng pagtaas ng policy rate sa US Federal Reserve

Ipagpapatuloy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mahigit na monetary policy nito upang mapigilang umakyat lalo ang inflation rate sa bansa.

Pahayag ito ng BSP kasunod pagtaas ng key policy rate ng US Federal Reserve ng 75 basis points upang mapigilan din ang inflation.

Ang monetary policy o interest rates ay gingamit ng central bank ng isang bansa upang maistabilize ang inflation sa pamamagitan ng pagkontrol sa suplay ng pera at pagtaas ng halaga sa panghihiram dito.


Sa pamamagitan nito ay mapipilitan ang mga konsyumer at mga negosyo na bawasan ang kanilang paggasta ng pera dahilan para mabawasan din ang galaw ng ekonomiya na magreresulta kalaunan sa pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin.

Nitong buwan lang ay nagtaas ang BSP ng 75 basis points sa ating key policy rates dahilan para umakyat mula sa 2.75% papunta sa 3.25% ang interest rate sa bansa.

Facebook Comments