BSP, nagpaliwanag sa paghina ng piso kontra US dollar matapos umabot sa P58 ngayong Martes

Nagpaliwanag ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos na humina pa ang halaga ng piso kontra dolyar kaninang umaga.

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., na hindi lamang piso ang humina kundi maging ang ibang foreign currencies sa region.

Patuloy kasi aniya ang paglakas ng dolyar dahil sa delay sa pagbabawas ng interest rates ng US Federal Reserve o hangga’t hindi bumababa sa 2 percent ang kanialng inflation target.


Kaugnay nito, tiniyak ng BSP na tuloy ang kanilang pag-monitor sa foreign exchange market at makikialam lamang sila kung talagang kailangang-kailangan na.

Kaninang umaga, pumalo sa P58 ang halaga ng piso kontra US Dollar na pinakamababa mula noong November 10, 2022.

Facebook Comments