Nakapagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng $3.02 billion remittances mula sa overseas Filipinos para sa buwan ng Agosto ng taong ito.
Ito ay mas mataas ng 4.4% kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Ayon sa BSP, mas mataas din ito ng 2.3% noong July ng taong ito.
Kinumpirma rin ng BSP na ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay umabot ng $2.72 billion nitong Agosto kung saan mas mataas ito ng 4.3%.
Bunga nito, umaabot na sa $20.99 billion ang pumasok na remittances sa bansa mula Enero hanggang Agosto na mas mataas 3% kumpara sa nakaraang taon.
Nangunguna sa talaan ng BSP na pinagmulan ng cash remittances ang US, Saudi Arabia, Singapore at Qatar.
Facebook Comments