Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumaas ang consumer confidence ng mga Pilipino sa unang bahagi ng 2023.
Ito ay kung ikukumpara sa consumer index sa huling bahagi ng 2022.
Kabilang sa nakapagpaangat sa consumer confidence ang pagkakaroon ng mga bakante at permanenteng trabaho sa bansa.
Bukod pa rito ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at ang pagtaas ng remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa BSP, nakatulong din ang positibong developments sa COVID-19 kung saan nagbukas ang ekonomiya matapos ang consistent na naging pagbaba sa kaso ng infection sa bansa.
Facebook Comments