BSP, patuloy ang assessment sa technical glitch kasabay ng systems upgrade ng BPI

Patuloy ang assessment ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa nangyaring technical glitch sa Bank of the Philippine Islands (BPI) nang mag-upgrade sila ng sistema nitong Abril.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier – nire-review pa nila kung ano ang nangyari.

Aalamin nila kung may nangyaring kapabayaan.


Matatandaang sumailalim sa major systems upgrade ang BPI mula April 5 hanggang 7 – kung saan sakop nito ang higit 41,000 programs, lines of codes at copy books.

Nakaapekto ito sa online banking, mobile app, automated teller machines at cash accept machines, maging ang debit at prepaid card services.

Una nang humingi ng paumanhin si BPI President and CEO Cezar Consing sa abalang idinulot ng systems upgrade sa kanilang mga kliyente.

Facebook Comments