Inaasahan na ng mga ekonomista ang patuloy na paghihigpit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa monetary policy hanggang sa susunod na taon.
Ito ay upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng inflation rate ng bansa o ang bilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa ekonomistang si Aris Dacanay, posibleng magtaas pa ang BSP ng hanggang 100 basis points ngayong taon at karagdagang 50 basis points sa 2023.
Dahil dito, posibleng umakyat sa 4.25% ang interest rates sa bansa sa katapusan ng taon.
Sa ngayon ay 125 basis points na ang itinaas sa interest rates ng BSP upang ma-stabilize ang inflation rate.
Facebook Comments