BSP, pinag-iingat ang publiko sa mga kumalat na pekeng pera

Manila, Philippines – Nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging mapanuri sa matatanggap na salapi.

Ito ay sa gitna na rin ng posibleng paglipana muli ng mga pekeng pera.

Ayon sa BSP – ugaliing gawing ang ‘feel’, ‘look’ at ‘tilt’.


Sa ‘feel’ – kailangang magaspang ang pera kapag hinawakan dahil sa klase ng materyal na ginamit dito.

Sa ‘look’ – mabilis dapat makita ang mga embossed prints, security fibers, watermark, asymmetric serial number at see-through mark.

Sa ‘tilt’ – makikita naman ang mga nakatagong features at halaga ng pera kapag inikot at tiningnan ng malapitan.

Payo ng BSP – dalhin sa kahit anong BSP offices ang pekeng pera sakaling makatanggap nito at papalitan nila ng kaparehong halaga.

Facebook Comments