Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa mga money mule.
Pinag-iingat ng BSP ang publiko na huwag tumanggap ng anumang request na magpadala o mag-transfer ng pera sa anumang personal account ng mga hindi kilalang kumpanya o indibidwal.
Ang money mules ay mga indibidwal na ilegal na naglilipat ng pera.
Para maiwasang mabiktima, naglabas ang BSP ng mga sumusunod na tips:
- Huwag ibigay ang bank o electronic money account o anumang personal information sa mga hindi pinagkakatiwalaang sources.
- Iwasang tumanggap ng tawag mula sa mga indibidwal na nagsasabing sila ay binigyan ng awtorisasyon ng bangko o financial service representatives.
- Direktang makipag-ugnayan sa inyong bangko o finance service provider sa pamamagitan ng kanilang official communication channels.
- Hind dapat ibinibigay ang financial information sa taong hindi personal na kilala, lalo na kung nakilala lamang ito online.
- Iwasang mahulog sa patibong na ‘easy money’ schemes dahil posibleng scam lamang ito.
- Huwag tumanggap ng anumang request na mag-send o transfer money to/from sa inyong personal account, lalo na sa mga hindi kilalang indibidwal o kumpanya.
Facebook Comments