BSP, positibo ang nakikita sa patuloy na paglago ng banking industry sa susunod na dalawang taon

Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tuluy-tuloy ang paglago ng banking industry ng bansa sa susunod na dalawang taon.

Ito ay base sa resulta ng Banking Sector Outlook Survey (BSOS) sa unang semester ng 2022.

Inaasahan din ang double-digit na paglago sa assets, loans, deposits, at net income.


Nakikita rin ng mga eksperto ang general improvement sa banks asset at loan quality indicators.

Sa kabila nito, balak pa rin ng mga bangko sa bansa na mag-maintain ng risk-based capital, leverage, at liquidity ratios sa mataas na levels.

Facebook Comments