Manila, Philippines – Positibo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaabot nila ang target na 2 hanggang 4 percent na inflation rate para sa taong ito hanggang sa 2020.
Kasunod ito ng 5.1 percent na inflation rate na naitala para sa buwan ng Disyembre 2018.
Una nang sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang pagbagal ng inflation noong nakaraang buwan ay dahil sa hindi pagtaas ng presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages at pasahe.
Sinabi naman ng BSP na patuloy nitong babantayan ang price developments sa bansa.
Lahat anila ng mahahalagang impormasyon ay ikokonsidera sa susunod na monetary policy meeting ng Central Bank sa February 7.
Layunin nitong matiyak na ang lahat ng polisiya tungkol sa pananalapi ay nakabatay sa mandato na tiyakin ang price stability.