BSP, target na gawing coinless society ang Pilipinas sa taong 2025

Target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging isang coinless society ang bansa sa taong 2025.

Kasunod ito ng itinutulak ng gobyerno na National Identification System kung saan ang bawat indibidwal ay magkakaroon ng sariling QR codes na magagamit sa maliliit na transaksyon.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, mismong ang nagpapatuloy na pandemya ang nagtulak sa Pilipinas patungo sa digital financial transactions.


Facebook Comments