BSP, target na gawing digital ang 50% ng lahat ng transaksyon sa 2023

Target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gawing digital ang halos kalahati ng transaksyon pagdating ng 2023.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, umuunlad ang paggamit ng e-payments lalo na nitong lockdown period para mapalakas ang digital transactions.

Aktibo aniya sila sa pagsusulong ng digital payments bilang bahagi ng ligtas at maginhawang sistema ng pagbabayad.


Batay sa datos ng BSP, lumalabas na ang pinagsamang transaksyon mula sa InstaPay at PESONet ay tumaas ng 260% nitong Abril kumpara sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Matatandaang inilunsad ng BSP ang InstaPay noong Abril 2018, isang Electronic Fund Transfer (EFT) payment system na binibigyan ang mga indibidwal ng real-time na paglilipat ng pera sa iba’t ibang bangko.

Ang PESONet ay inilunsad noong 2017 na pwedeng gamitin ng Pamahalan, mga negosyo at indibiduwal na magsagawa ng electronic fund transfer at recurring payments sa financial institutions na pinangangasiwaan ng BSP.

Facebook Comments