BSP, tinawag na peke ang 1,000 peso bill na may maling pangalan ng Pangulo

Tinawag na peke ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nailabas sa isang website na nagpapakitang may 1,000 peso bill na mayroong maling pangalan ng Pangulo.

Sa press statement ng BSP, sinabi nitong wala silang naimprenta na anumang 1,000 peso bill na mayroong maling pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa berepikasyon ng BSP, hindi nagtugma ang serial number ng perang inilabas ng isang website sa mga inilabas nilang 1,000 peso enhance new generation currency banknotes.


Sa lumabas na ulat, ipinakita ng website na Rodrigo Boa Duterte ang spelling ng pangalan ng Pangulo na dapat sana ay Rodrigo Roa Duterte.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng BSP sa mga stakeholder kabilang na ang mga media company para sa paglalabas ng mga tamang balita at impormasyon upang protektahan ang integridad ng pera ng bansa.

Facebook Comments