Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sapat ang supply ng pera ngayong Holiday Season.
Ito’y kasunod ng paglalabas ng BSP ng bagong 20-peso coin na bahagi ng New Generation Coin Series.
Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, walang dapat ikabahala dahil sapat ang currency supply para sa pasko at bagong taon.
Hinihikayat din ng BSP ang publiko na tangkilikin ang Electronic Payment System at paggamit ng Debit at Credit Cards.
Sinabi rin ni Diokno na posibleng ang 20-Peso Coin na ang huling mako-convert na perang papel sa barya.
Planuhin din ang mga transaksyon sa Bangko at agahan ang pag-withdraw ng pera para makaiwas sa mahabang pila.
Mahalagang alamin din ang Holiday Schedules ng mga Bangko.
Facebook Comments