Manila, Philippines – Bubuksan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang application para sa posisyon ng Supreme Court Associate Justice.
Ito ay ang nabakanteng posisyon matapos italaga bilang punong mahistrado si Teresita de Castro.
Sa abiso ng JBC, ang mga aplikante ay dapat magsumite ng lahat ng requirements sa JBC office sa Manila sa Oktubre a-1, hanggang alas-4:30 ng hapon.
Ang JBC ang siyang nagsasagawa ng masusing pagsasala ng mga kandidato na nais punan ang mga bakanteng posisyon sa hudikatura.
Facebook Comments