Leyte – Pasisinayaan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bagong passenger terminal building ng Maasin Airport sa Barangay Panan-awan, Maasin, Leyte.
Panauhin sa event si Pangulong Rodrigo Duterte, DOTr Secretary Arthur Tugade, DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Captain Manuel Antonio Tamayo at CAAP Director General Captain Jim Sydiongco.
Ang Maasin Airport ay isa sa mga community airports sa ilalim ng CAAP National Airport System at ang tanging airport sa rehiyon ng Southern Leyte.
Nagsilbi din ang Maasin Airport bilang backup entry point para sa relief goods at medicine deliveries, sa panahon nang manalasa ang super typhoon Yolanda, na nagpapatunay ng kakayahan nito at potensyal na magsilbi bilang alternatibong airport sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City.
Layon ng bagong passenger terminal building project na i-upgrade ang airport mula sa community airport sa standard principal class 2 airport at para sa paliparan upang matugunan ang tumataas na air transport demands.
Sa Hulyo a-dos o sa Lunes pasisinayahan ang nasabing gusali.