BUBUKSAN NA | Mga kalsadang sumailalim sa pagkukumpuni, bubuksan na bukas ng madaling araw

Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng DPWH- National Capital Region na bubuksan na bukas ng madaling araw ang mga lugar kung saan nagkaroon ng repair at reblocking sa Quezon City at Caloocan.

Matatandaan na ipinagpatuloy na ng Department of Public Works and Highways- National Capital Region ang repair at reblocking sa 8 road sections sa Quezon city at Calookan City noong Biyernes ng gabi .

Ayon kay DPWH-NCR Director Melvin Navarro,unang sumailalim sa repair ay ang outer lane at inner lane ng south bound direction ng A. Bonifacio Avenue, Sgt. Rivera; at second lane ng Northbound direction ng Mindanao Avenue mula sa kabilang panig ng Ramer Village hanggang Mindanao Bridge.


Paliwanag ni Navarro na kasama rin sa pagkukumpuni ang fifth lane, Northbound direction ng EDSA mula Howmart hanggang Oliveros; ang third lane, Northbound direction ng Congressional Avenue Extension sa Miranilla Gate sa Quezon City.

Apektado rin sa road repair at reblocking ang second lane, northbound direction ng Carlos.P. Garcia Avenue mula Baluyot Street hanggang Pook Aguinaldo Street; unang lane, Northbound direction ng Congressional Avenue mula Virginia hanggang Visayas Avenue; outer lane, northbound direction ng Quirino Highway malapit sa Sacred Heart of Jesus sa Quezon City; at ang Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City ay kasama rin sa pagkukumpuni ng DPWH.

Facebook Comments