Aklan – Sa mga susunod na buwan, maglalabas na ng worldwide advertisement campaign ang Department of Tourism (DOT) para palakasin pa ang pagpo- promote sa mga tourist destination ng Pilipinas, kung saan kabilang na dito ang muling pagbubukas ng Boracay.
Ayon kay Undersecretary for Tourism Development Benito Bengzon Jr., sisiguraduhin nila na sa oras na buksang muli ang Boracay, mas maayos na ito at mas environment- friendly na.
Ito ayon kay Usec. Bengzon, ay dahil kailangan nilang tiyakin na hindi na mauulit pa ang problemang kinaharap ng Boracay, na nagresulta sa pagsasara nito habang sumasailalim sa rehabilitasyon.
Kaugnay nito ayon kay Bengzon, sa nangyaring pagsasara ng Boracay, napatunayan nila na matatatag ang industriya ng Turismo sa Pilipinas, dahil agad na nakagawa ng adjustment ang tourism sector, kabilang ang pagpo-promote sa iba pang destinasyon, kung saan napanatili nila ang mataas na bilang ng tourist arrivals.