BUBUKSAN | Silungan sa Barangay, bubuksan ng DSWD para sa mga madadampot na menor de edad

Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na ilulunsad nila ang programang silungan sa barangay.

Ito ay kasunod narin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa kustodiya ng Pamahalaan ang mga batang palaboy o pagala-gala sa kalsada lalo na sa gabi.

Ayon kay Social Welfare OIC Secretary Virginia Orogo makikipagugnayan sila sa Department of Interior and Local Government o DILG para sa pagpapatupad ng nasabing proyekto.


Paliwanag ni Orogo, hindi sapat para sa mga madadampot na menor de edad ang kanilang 72 DSWD Centers sa buong bansa at karamihan sa mga ito ay para sa mga senior citizens.

Kaya ang silungan sa barangay ang nakikita nilang sagot sa problemang ito sa tulong narin ng DILG para makatugon sa utos ng Pangulo.
Gagamitin parin naman aniya nila ang DSWD Centers na ito at magdadagdag nalang din sila ng 50 kama kada centers para ma-accommodate ang mga menor de edad na maililigtas sa kalsada.

Facebook Comments