Manila, Philippines – Muling bubuksan ng Department of Agriculture sa publiko bukas, araw ng Huwebes hanggang Biyernes ang TienDA Farmers and Fisherfolk Outlet.
Alas-otso pa lang ng umaga ay bubuksan na ang Agribusiness Development Center ng DA sa Quezon City gayundin sa Bureau of Plant Industry sa Manila para i-alok sa mga consumer ang murang presyo ng bigas at iba pang agricultural products direkta mula sa mga farmers cooperatives.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, bukod sa mga outlets ng TienDA ng bigas ng masa sa Quezon City, sabay na rin nilang buksan ang outlets nito sa lungsod Maynila.
Mabibili sa mga outlets ang murang bigas sa halagang 38 pesos kada kilo habang 950 pesos naman ang presyo ng kada sako.
Bukod pa dito ang mga binebentang gulay, prutas,dried fish at salted eggs at maraming iba pa na mas mura ang presyo kumpara sa mga pamilihan.
Unang inilunsad ng DA ang Tienda ng masa noong Pebrero 14 bilang tugon sa kakulangan ng supply ng bigas ng nfa sa mga pamilihan.