BUBUKSANG GATE NG MAGAT DAM, MAARING HINDI NA DAGDAGAN PA -NIA

CAUAYAN CITY – Inihayag ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System na posibleng hindi na dagdagan pa ang gate na nakabukas sa kabila ng naranasang tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan dala ni Bagyong Gener.

Sa panayam kay Department Manager Engr. Gileu Michael Dimoloy, sinabi nito na mula nang magsimulang magpakawala ang Magat dam ay nanatili na ito sa safe level.

Maging ang mga tubig sa watershed ay bumaba na rin.


Sa ngayon ay nakamonitor pa rin aniya ang mga ito sa abiso ng PAGASA kaugnay sa magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw upang mataya ang buhos ng ulan at dami rin ng ilalabas na tubig sa dam.

Kaugnay nito, mahigpit na pinapaalalahan ni Dimoloy ang publiko lalo na ang mga nasa malapit sa ilog na maging alerto at handa dahil posibleng tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog na maaring mag resulta sa mga pagbaha.

Facebook Comments