π—•π—¨π—•π—¨π—žπ—¦π—”π—‘π—š π—¦π—œπ—žπ—”π—§ 𝗑𝗔 ‘𝗕𝗔π—₯π—”π—§π—œπ—Ÿπ—¬π—’’ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—œπ—‘π—”π—”π—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘ 𝗑𝗔 π—‘π—š π— π—šπ—” π——π—”π—šπ—¨π—£π—˜π—‘π—’π—¦

Sa pagpasok ng Holiday Season, ang selebrasyon ng Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon, muli na namang bubuksan ang kaabang-abang na β€œBaratilyo” kasunod ng Pasko ed Dagupan kung saan tampok ang iba’t-ibang produkto na maaaring maavail ng mga turista at bisita sa lungsod.
Isa pa sa inaasahang kaganapan ng mga Dagupeno ay ang pagsaksi sa pagpapailaw sa pamosong Quintos Bridge maging ang magiging tema ng Christmas Season na pailaw sa ating City Plaza.
At syempre, hindi rin magpapahuli ang inaasahan pang Paseo De Belen, gamit ang recycled materials na naglalarawan ng kapanganakan ng ating tagapagligtas na HesuKristo na nararapat nakapwesto sa De Venecia Highway.

Ngayon pa lang mga idol, mula rito sa IFM DAGUPAN ay bumabati na sa inyo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments