Manila, Philippines – Paiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) at Senado ang dengue vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inihahanda na ang department order para masimulan ang imbestigasyon.
Ang lahat aniya ng sangkot sa pagbili nito ay isasama sa imbestigasyon.
Sinabi naman ni Senate Committee on Youth Chairman Joel Villanueva dapat mapanagot ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) na responsible sa pagpapahintulot ng pagbabakuna sa mga estudyante.
Sa Enero ang nakatakdang pagdinig ng Senado na pangungunahan ni Health Committee Chairman Senator JV Ejercito.
Facebook Comments