BUBUSISIIN | Grass fire, naganap sa isang barangay sa Mauban, Quezon

Mauban, Quezon – Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung ano ang posibleng pinagmulan ng nangyaring grass fire sa Barangay Soledad, Mauban, Quezon.

Sa ulat, nangyari ang insidente alas-7:30 kagabi kung saan tumagal ito ng mahigit sa isang oras.

Kaagad din naapula ang grassfire dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).


Wala namang naitalang nadamay na kabahayan at nasugatan sa nagyaring insidente.

Facebook Comments