BUBUSISIIN | Kakulangan ng suplay ng NFA rice sa merkado, paiimbestigahan sa Senado

Manila, Philippines – Balak paimbestigahan ni Senator Cynthia Villar ang kakulangan sa suplay ng National Food Authority o NFA rice sa merkado.

Ayon kay Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, target ng imbestigasyon na busisiin kung nagagampanan ng NFA ang tungkulin nito na tiyakin ang food security ng bansa.

Nakasaad din sa resolusyon ang pahayag ni NFA spokesperson Rebecca Olarte na ang 64,000 metriko toneladang NFA rice sa pagtatapos nitong Enero ay ang naitalang pinakamababang buffer stock sa loob ng sampung taon.


Giit pa ni Senator Villar, bahagi ng mandato ng NFA na tiyaking maayos ang programa ng gobyerno sa pagaangkat ng bigas.

Facebook Comments