BUBUSISIIN | Labor policies sa ibang bansa, pinapa-review ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa pamahalaan na pag-aralang mabuti ang mga labor policies sa ibang bansa kung saan may mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Pahayag ito ni Senator Gatchalian sa patuloy na pagtaas ng mga OFWs na napapatay at nabibiktima ng pag-abuso katulad sa bansang Kuwait kung saan natagpuan ang bangkay ng Pinay na si Joana Demafelis sa loob ng freezer.

Diin ni Senator Gatchalian, dapat siguraduhin ng gobyerno na may sapat na batas sa mga bansa na magbibigay proteksyon sa migrant workers.


Makabubuti din para kay Gatchalian, kung magkakaroon ng bilateral agreement ang Pilipinas sa mga bansang mayroong mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay Gatchalian, dapat ay magkaroon din ng malasakit ang mga bansang may OFWs dahil malaking tulong naman ang ating mga kababayan para sa kanila.

Muling nagpakitang gilas si Lebron James sa pamamagitan ng triple double performance na may 18 points 14 rebounds at 11 assists para itala ang kanilang ika-limang panalo sa huling anim nilang laro laban sa Memphis Grizzlies.

Ang bagong miyembro ng Cavs na Filipino-American player na si Jordan Clarkson ay kumamada naman ng 14 points at tumulong kay Lebron para masungkit ang pagkapanalo.

Aminado si Clarkson, naninibago pa siya at hindi pa solido ang kanilang samahan lalo na at bago pa lamang siya sa Cavs.

Hawak na ngayon ng Cavaliers ang 35 win 23 losses record at sasabak muli sila sa next game laban sa San Antonio Spurs sa Lunes, February 26.

Facebook Comments