Manila, Philippines – Kukuha ng serbisyo ng independent auditor ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na mag re-review sa listahan ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) units ng mga TNCs.
Ito ay upang malaman ang tunay na bilang ng common supply base ng mga TNCs.
Sa ngayon ang Uber systems Inc. ay may isinubmit na 67,00 na TNVS application habang ang Grab ay mayroong 52,393.
Ayon kay Board Member Aileen Lizada, mula sa data base na ito, tutukuyin dito ang mga TNCs na pagmamay-ari ng mga dayuhan, mga may dobleng citizenship o lahi.
Titiyakin din ng independent auditor na hindi na uubra ang fleet system. tatlong kotse lamang ang tatanggapin per TNVS.
Aalamin din kung ilan ang inactive pero, hindi pa malinaw kung 30 days o 90 days ang period ng inactivity ng ilang TNVS.
Sa ngayon ang Uber systems Inc. ay may isinubmit na 67,00 na TNVS application habang ang Grab ay mayroong 52,393.
Aniya, wala nang tatanggapin na bagong mga sasakyan. Ang cut-off ng aplikasyon na ire-review ay ang mga pumasok noong July 2017.