BUBUSISIIN | Milyones na kinita ng isang kumpanya sa PECO, sisilipin ng kamara

Manila, Philippines – Bubusisiin ng House Committee on Legislative Franchises ang milyon-milyong piso na kinita ng isang kumpanya na nagbebenta rin ng kuryente sa Iloilo City mula sa Panay Electric Company (PECO).

Ito ay kahit pa may isyu ng overbilling ang PECO dahil sa 1,000% na pagtaas sa monthly bill ng mga customers nito.

Base sa mga isinumiteng papeles ng Panay Electric Co. (PECO) sa Securities and Exchange Commission (SEC), natuklasang nagbigay pa ito ng dibidendo sa isa sa mga malaking stockholder nito mula 2015 hanggang 2017.


Nakita sa records ng PECO na nagbayad ito ng dibidendo na P51 Million noong 2017, P43 Million noong 2016 at P41 Million noong 2015 sa isa nitong stockholder.

Inamin naman ni House Legislative Franchises Committee Chairman Francis Josef Alvarez na narindi na sila sa komite dahil sa tambak na reklamo laban sa PECO.

Ang 70% ng PECO ay pag-aari ng pamilyang Cacho na humihingi ng bagong prangkisa sa Kamara pero nanganganib na hindi ma-i-renew dahil sa tambak na reklamo sa masamang serbisyo nito.

Facebook Comments