BUBUSISIIN | NFA council, aalamin kung saan napunta ang milyon-milyong sako ng bigas ng NFA

Manila, Philippines – Gustong malaman ni National Food Authority o NFA Council Chairman at Cabinet Secretary Leoncio Jun Evasco kung saan napunta ang milyon milyong sako ng bigas ng NFA.

Ayon kay Evasco a briefing sa Malacanang, ito ang pangunahing layunin ng desisyon ng NFA Council na isailalim sa audit ng Commission on Audit o COA ang naging operasyon ng NFA mula noong Oktubre noong nakaraang taon hanggang Enero ngayong 2018.

Paliwanag ni Evasco, batay sa report mula mismo sa NFA ay lumalabas na aabot sa average na 1 milyong sako ng bigas ang inilalabas ng NFA mula sa kanilang warehouse pero hindi aniya nila alam kung saan ito napunta dahil ang buffer stock ng NFA ay dapat inilalabas lang sa mga oras ng kalamidad o sa mga lean months ng taon.


Bukas aniya ay sisimulan na ang pagbuo sa magigin detalye ng gagawing audit ng COA para malaman ang punot dulo ng issue.
Sinabi ni Evasco na bukas ay pupulungin ni Pangulong Rodrigo Dutere ang mga malalaking rice traders sa bansa para malaman ng Pangulo ang tunay na sitwasyon ng supply ng bigas sa merkado.

Ito naman ay sa harap narin ng mga lumabas na balita nitong mga nakalipas na paahon na bumibili ng NFA rice ang mga rice traders at ibinebenta ito sa mas mataas na presyo.

Facebook Comments