Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Win Gatchalian ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at ang Philippime Competition Commission o PCC.
Ito ay para busisiin at bantayang mabuti ang operasyon ng Grab Philippines sa harap ng mga reklamo ng pagmamalabis nito kasunod ng pagkawala ng Uber.
Giit ni Gatchalian, dapat tiyakin ng LTFRB at PCC na may mga safeguards para hindi maabuso ng Grab ang ating mga kababayan.
Diin ni Gatchalian, ang mga reklamo ay patunay na nagkakaroon na agad ng monopolistic behavior ang Grab sa halip na patunayang makabubuti sa publiko ang merger nito sa Uber.
Kasabay nito ay sinuportahan din ni Gatchalian ang mga apela na ibalik ng Grab ang sobrang 2-piso kada kilometro na ipinataw sa mga pasahero nito.