Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang plano ng Social Security System o SSS na itaas ang kontribusyon ng mga miyembro nito.
Ang pahayag ni Recto ay kasunod ng anunsyo ng SSS na plano nitong taasan ang halaga ng kontribusyon ng mga miyembro nito mula sa kasalukuyang 11 percent tungo sa 14 percent simula sa Abril ngayong 2018.
Sa inihaing Senate Resolution No. 621, ay ikinatwiran ni Recto na hindi dapat ituloy ang planong increase sa SSS members’ contribution hanggat di pa natatapos ang isang comprehensive review ng Republic Act No. 1161 upang madetermina kung ang SSS charter ay nananatiling nakatutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro at pensioner ng SSS.
Inaatasan ng resolusyon ni Recto ang Senate Committee on Government Corporations and Public Services na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon, na magsagawa ng pagsisiyasat, in aid of legislation, sa nasabing planong increase sa kontribusyon ng mga SSS members.