BUBUSISIIN | Toll increase sa ilang expressway sa bansa, sisilipin

Manila, Philippines – Sinisilip na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang hiling na toll increase ng ilang expressways sa bansa.

Ayon kay TRB spokesman Bert Suansing, pag-aaralan nila ang pagpapatupad ng gradual increase sa toll ng north Luzon Expressway (NLEX), Cavite Expressway (CAVITEX) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR).

Pero sinabi ni Suansing na sa ngayon, wala pang tiyak na paraan para ipatupad ang toll hike.


Una nang nagpahayag ang pamunuan ng NLEX ng dagdag singil sa toll lalo nat 2011 pa umano sila huling nagpatupad ng pagtataas

Ang rate adjustment ay gagamitin umano para mapanatili ang infrastructure improvement ng mga expressway.

Facebook Comments