Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Grace Poe ang paglikha ng National Transportation Safety Board o NTSB.
Kasunod ito ng nangyaring paglubog ng MV mercraft 3 sa bahagi ng karagatang sakop ng Quezon province kung saan lima na ang naitatalang nasawi.
Ayon kay Poe, magiging mandato ng NTSB ang pagtiyak na nasusunod ang safety standards para mahadlangan ang mga trahedya sa sektor ng transportasyon.
Ang nasabing board, ay bubuuin aniya ng mga eksperto at bibigyan ito ng kapangyarihan na magsagawa ng imbestigasyon.
Sabi ni Senator Poe, kabilang sa trabaho ng NTSB ang pagbibigay ng mga reports at rekomedasyon na naglalayong mapigilan sa hinaharap ang mga aksidente sa panig ng transportasyon.
Facebook Comments