Manila, Philippines – Mas nais ng mga lider ng Kongreso na gawing simple ang structure ng gobyerno sa ilalim ng Federalism.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ito ang kanilang bubuuhin sa mga susunod na pagpupulong kasama ang mga lider ng Senado.
Bagamat, wala pang linaw kung anong porma ng Federalism ang gagawin, nais naman ni Alvarez na gawing simple ang government structure na madaling maiintindihan ng publiko ang bawat functions at probisyon.
Giit ni Alvarez, kung ikukumpara ang ating Saligang batas sa Saligang batas ng ibang malalaking bansa na simple lang, hindi hamak na bukod sa napakahaba ay kulang-kulang pa ang ating Konstitusyon.
Tiniyak ng Speaker na tuloy ang 2019 election at kung sakali hindi mahabol ang plebesito sa barangay election ngayong May 2018 ay sa midterm election na lamang ito gagawin.
Sa susunod na Linggo ay muling magpupulong ang mga lider ng Senado at Kamara para simulan kung anong government structure ang susundin sa ilalim ng Federalism.