Bubuuing oversight committee para sa 2026 National Budget, dapat maging bukas sa civil societies at budget reform groups

Buo ang suporta ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña sa planong pagbuo ng Kongreso ng joint oversight committee na magbabantay sa implementasyon ng 2026 National Budget.

Kaisa si Cendaña sa panawagang tiyakin ang integridad ng ating pambansang pondo kaya hindi dapat matapos ang pagbabantay sa pera ng taumbayan.

Bunsod nito ay iginiit ni Cendaña na ang bubuuing oversight committee ay dapat maging bukas sa civil societies at budget reform groups.

Diin ni Cendaña ang naturang mga grupo ay may malaking tulong sa pagbabanta sa budget process.

Ayon kay Cendaña, sila rin ang nakapaglantad ng mga problemadong probisyon sa national budget.

Facebook Comments