Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na layon talagang buwagin na ang National Food Authority o NFA.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng problema sa ahensiya matapos matuklasan na 100,000 sako ng bigas ang may bukbok sa subic bay freeport zone.
Ayon kay presidential spokesman Secretary Harry Roque, sa pagbuwag ng NFA papunta ang panukalang batas na rice tariffication law dahil sa oras na maipatupad ang batas ay maaari nang magangkat ng bigas ang pribadong sektor at papatawan nalang ito ng taripa.
Dahil aniya dito ay mawawalan na ng saysay ang NFA dahil ang pangunahing trabaho nito ay magangkat ng bigas at kontrolin ang dami ng bigas na pumapasok sa bansa.
Binigyang diin pa ni Roaue na hindi nakatutulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa merkado ang quota o ang monopolya ng NFA sa rice importation.
Matatandaan na pinagpapaliwanag ng Malacanang ang NFA kung bakit humantong sa pagkakaroon ng bukbok o insekto ang mga iniangkat na bigas at tiyakin na hindi na mauulit ang kaparehong insidente.