BUBUWAGIN? | Pinabubuwag na Komisyon ni Pangulong Duterte, pinangalanan na

Manila, Philippines – Pinangalanan na ni Presidential Spokesman Harry Roque ang Komisyon na pinabubuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Roque – ang pinabubuwag ng Pangulo ay ang Presidential Commission on the Urban Poor na pinamumunuan ni Commissioner Terry Ridon.
Aniya, ang katiwalian at mga junket na biyahe ng ilang opisyal ng nasabing tanggapan ang dahilan ng pagbuwag dito.
Pero nilinaw ni Roque na walang kinalaman ang pagbuwag ng komisyon sa pagiging makakaliwa ni Ridon.

Facebook Comments