Bucana Bridge sa Davao del Sur, iinspeksyunin ni PBBM

Biyaheng Davao del Sur si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw upang inspeksyunin ang Davao River Bridge, o Bucana Bridge.

Kasama ng Pangulo sa pagbisita sina Special Assistant to the President Anton Lagdameo at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.

Ang naturang tulay ay proyekto ng DPWH sa ilalim ng “Build Better More” na nagdudugtong sa silangan at kanlurang bahagi ng Davao City.

Inaasahang magpapabilis ito ng pagbiyahe ng agricultural goods, magpapalakas ng turismo, at magbibigay ng mas maayos na daloy ng negosyo sa lungsod.

Facebook Comments