BUCAS CENTER NA WALANG CASHIER, BINUKSAN NA SA MAPANDAN

Walang cashier counter at libre ang serbisyo sa kabubukas na Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) sa Mapandan noong Biyernes, Pebrero 27.

Ayon sa mga awtoridad, sinadya ang hindi paglalagay ng counter dahil layong isulong sa pasilidad ang libreng konsultasyon, laboratoryo at iba pang serbisyong medikal nang libre na hindi kinakailangan ng pagkakaadmit sa ospital.

Alinsunod ang proyekto sa Universal Health Care program ng Department of Health (DOH).

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang padadaliin ng pasilidad ang access sa libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Mapandan at kalapit na lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments