Bucks, nasungkit ang ikapitong panalo kontra Magic

56

Pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang panalo ng Milwaukee Bucks kontra Orlando Magic sa score na 121-99.

Umiskor ang reigning two-time National Basketball Association Most Valuable Player (NBA MVP) ng 22 points para sa ikapitong panalo ng Bucks mula sa 11 games.


Ang Magic naman ay nalasap ang ika-limang talo at may anim na panalo.

Tumulong din sa kampanya ng Bucks si Khris Middleton na nakagawa ng 20 points at 10 rebounds.

Nanguna naman sa Magic si Nikola Vucevic na may 28 points at 13 rebounds.

Sa Huwebes makakaharap ng Bucks ang Detroit habang ang Magic ay tatangkaing makabangon sa laban kontra Celtics.




Facebook Comments